Bayan ng Angat, Nakiisa sa Paggunita at Edukasyon Laban sa HIV-AIDS
- Angat, Bulacan

- Dec 16, 2025
- 1 min read


Upang palakasin ang kampanya para sa kalusugan at kamalayan ng mga mamamayan, matagumpay na idinaos ang HIV-AIDS Symposium, Screening, and Candle Lighting noong Disyembre 15, 2025, sa Municipal Conference Room ng Municipal Building.
Ang mahalagang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Angat Rural Health Unit (RHU), sa pakikipagtulungan ng Green Clinic at G-Crib Community Center. Naging katuwang din sa programang ito ang Local Youth Development Office (LYDO) at ang Population Development (POPDEV) upang masiguro ang malawak na pakikilahok ng mga kabataang Angateño.









Comments