top of page
bg tab.png

Bayan ng Angat, muling umindak sa saya at kulay sa Indakan sa GulayAngat 2025

GulayAngat 2025


ANGAT, BULACAN — Muling umindak sa saya, kulay, at pagkakaisa ang buong bayan sa Indakan sa GulayAngat 2025, isa sa mga tampok na aktibidad ng taunang GulayAngat Festival.


Sa bawat galaw at kumpas ng mga mananayaw, muling sumigla ang diwa ng kulturang Angateño, na ipinamalas sa pamamagitan ng malikhaing koreograpiya, makukulay na kasuotan, at masiglang pagganap ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay.


Mga nagwagi sa Indakan sa GulayAngat 2025:

ree

🏆 Unang Gantimpala: Barangay Niugan

ree

🥈 Ikalawang Gantimpala: Barangay Sta. Cruz

ree

🥉 Ikatlong Gantimpala: Barangay Taboc


Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga nagwagi, at taos-pusong pagpupugay sa lahat ng barangay na buong sigasig na lumahok sa patimpalak.


Bagama’t hindi lahat ay nag-uwi ng tropeo, tagumpay pa rin ang ipinakitang talento, disiplina, at pagkakaisa ng bawat Angateño—patunay ng matibay na pagmamahal sa sariling kultura.


Sa bawat indak at ngiti, dama ang diwa ng buhay na kulturang Angateño—buhay, makulay, at patuloy na umaangat!

Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page