BASTA BINAGBAG, PAPALAG!
- Angat, Bulacan
- Jun 12
- 2 min read

Natapos na ang pagsasanay ng Barangay Binagbag Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) para sa Formulation ng Barangay Disaster Plan na ginanap sa Morong, Bataan.
Sa ikalawang araw ay pinagtuunan ng pansin ang budget preparation at formulation ng barangay binagbag kung saan itinuro at ipinaliwanag ni Carlos R. Rivera Jr. ang komposisyon sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Fund Investment Fund (BDRRMFIP).
Sa paksa na ito ay natutukoy at nalalaman ng mga miyembro ng BDRRM ng Barangay Binagbag ang proseso ng pagbibigay alokasyon sa apat na thematic area ng DRRM (Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery)
Pagkatapos ng diskusyon ay tumungo ang paksa sa workshop kung saan gumawa ang bawat grupo ng kanilang mga sariling BDRRMFIP para sa taong 2026 - 2028 na pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr.
Ang paggawa ng BDRRMFIP ng bawat grupo ay naka angkla sa kanilang isinagawang Community Risk Assessment kung saan dito ay tinukoy ang mga maaaring maging peligro sa panahon ng sakuna.
Naisin ng workshop na ito na maging bukas at malawak ang isipan ng mga miyembro ng BDRRMC sa tamang pag aaloka sa budget ng barangay. Gayundin ay matukoy ang mga prayoridad na programa, aktibidad, at proyekto na gagawin sa kanilang barangay sa mga susunod na taon.
Bukod rito ay gumawa rin ang mga miyembro ng BDRRM ng Barangay Binagbag ng Annual Investment Plan para sa taong 2026 - 2028 na naka ayon sa 20% Development Fund ng Barangay.
Naging aktibo ang partisipasyon ng bawat miyembro at naging maganda ang mga ipinresentang gawa ng bawat grupo kung saan natukoy ang mga mahahalagang programa na kinakailangan sa barangay.
Pagkatapos nito ay nagbigay ng panghuling pananalita ang Kapitan ng Barangay Binagbag Igg. Christopher Villarama ng pagpapasalamat sa mga miyembro ng BDRRMC ng Binagbag na nagpursigi na tapusin ang workshop kahit na sobrang hirap nito.
Gayundin ay nagbigay pasasalamat si Kap. Christopher Villarama sa Punong Bayan at MDRRMC Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa naging matagumpay na aktibidad na ito, gayundin sa ama ng ika-6 na distrito Serbisyong CongPleyto Movement at mga konsehal ng Bayan ng Angat.
Nagtapos ang araw sa isang seremonya ng pagtatapos at paggawad ng certificate sa mga miyembro bilang hudyat ng kanilang matagumpay na pagtapos ng pagsasanay.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments