BASTA BINAGBAG, HANDA SA KALAMIDAD!
- Angat, Bulacan
- Jun 10
- 2 min read

Natapos ngayong araw ang unang araw nang pagsasanay ng Barangay Binagbag Disaster Risk Reduction and Management para sa Formulation ng Barangay Disaster Plan na ginanap sa Morong, Bataan.
Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay mensahe ang Punong Barangay na si Hon. Cristopher Villarama.
Sa pagbukas pananalita ay pinasalamatan niya ang mga tao na nagsilbing tagumpay upang maidaos ang pagsasanay ng buong komite ng BDRRMC na sina Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista at Serbisyong CongPleyto Movement, gayundin ang mga konsehal ng Bayan ng Angat.
Dagdag rito ay ang pagpapasalamat niya sa pagpupursigi na mga miyembro at volunteers ng barangay na patuloy na nagsisilbing buong loob para sa Barangay Binagbag.
Nais ni Kap Topher na maging makabuluhan hindi lamang sa sanggunian ng Barangay ng Binagbag ang pagsasanay kundi para sa mga miyembro na bumubuo ng Barangay Binagbag Disaster Risk Reduction and Management Committee na silang nagsilbing haligi sa panahon ng kalamidad.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr. ang diskusyon para sa pagsasanay, una sa pagpapaliwanag patungkol sa R.A 10121 o ang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act” kung saan binalangkas ang bawat gampanin at tungkulin ng BDRRM sa panahon ng sakuna.
Sinundan naman ito ng diskusyon patungkol sa importansya ng Strength, Weakness, Opportunity, at Threat (SWOT) Analysis na naka angkla sa apat na thematic area ng DRRM (Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery) upang maging handa sa pagpaplano ang Barangay Binagbag para sa sakuna.
Nagkaroon naman ng Workshop ang mga miyembro ng BDRRMC kung saan sila ay inatasan na gumawa ng sariling SWOT Analysis base sa thematic area na ibinigay sa bawat grupo na tumutukoy sa kanilang Barangay.
Naging makabuluhan ang workshop na isinagawa dahil nakita at natukoy dito ang iba’t-ibang lakas, kahinaan, oportunidad, at banta sa barangay sa panahon ng sakuna.
Ang Punong Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon Reynante "Jowar" S. Bautista ay nakatutok at patuloy na nakasuporta sa bawat barangay sa pagpapalakas ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management para patuloy at matiwasay na matugunan ang bawat kalamidad na haharapin ng Bayan ng Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments