Basic Life Support - Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) with Automated External Defibrillator (AED) Training for Employees of the Municipality of Angat
- Angat, Bulacan

- Jul 17
- 1 min read

Isinasagawa sa kasalukuyan ang isang mahalagang pagsasanay na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat. Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan ang mga kawani ng munisipyo hinggil sa Basic Life Support (BLS), kabilang ang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at paggamit ng Automated External Defibrillator (AED).
Ang ganitong uri ng pagsasanay ay mahalagang bahagi ng paghahanda at pagpapatibay ng kapasidad ng mga empleyado sa pagtugon sa mga emergency, bilang suporta sa adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa Disaster Preparedness, Safety, and Resilience.
Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Bayan ng Angat na masigurong ligtas, handa, at may sapat na kaalaman ang bawat kawani sa panahon ng sakuna.
Magkakaroon ng hands-on training, simulation drills, at serye ng mga lektura upang mas epektibong mahasa ang mga kalahok sa pagresponde sa mga sitwasyong pangkalusugan at pang-emergency.









Comments