top of page
bg tab.png

Barangay Sulucan, Nagsagawa ng Clean-Up Drive at Road Clearing sa Burol at Tubao 2 Sts.


Matagumpay na naisagawa ang Weekly Clean-Up Drive at Road Clearing sa kahabaan ng Burol St. at Tubao 2 St. nitong Sabado, Abril 11, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Barangay Sulucan upang matiyak ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maayos at maluwag na mga kalsada.


Ang Road Clearing at Clean-Up Drive ay layuning tanggalin ang mga sagabal sa kalsada at linisin ang mga estero o kanal upang maiwasan ang anumang aksidente o pagbaha. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamunuan ng barangay at ng mga residente, naging mabilis at episyente ang pag-aayos sa nasabing mga lugar.


Ang ganitong uri ng bayanihan ay patunay na kapag nagkakaisa ang mga residente, mas madaling makakamit ang isang komunidad na ligtas, maaliwalas, at komportable para sa bawat pamilya.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page