Barangay Sulucan Disaster Risk Reduction and Management Committee Training for Formulation of BDRRM Plan
- Angat, Bulacan

- Aug 18
- 1 min read

Pinangunahan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang pagsasanay para sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Sulucan.
Sa isinagawang pagsasanay, tinalakay ang mahahalagang isyu na dapat tugunan upang maiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad. Bahagi ng diskusyon ang pagsasagawa ng SWOT Analysis ng barangay upang magsilbing batayan ng komite sa pagpaplano ng mga proyekto at upang matukoy ang mga bahagi na nangangailangan ng higit na pagpapalakas sa operasyon ng komite.
Nagkaroon din ng workshop kung saan tinukoy ng mga kasapi ang mga strengths, weaknesses, opportunities, at threats sa bawat thematic area ng disaster na naaangkop sa kanilang barangay. Kasabay nito, isinagawa rin ang pagpaplano para sa pondo ng barangay upang matiyak ang maayos at epektibong paglalaan ng budget para sa mga programa, proyekto, at iba pang aktibidad na may kinalaman sa disaster preparedness at response.
Naging aktibo at makabuluhan ang diskusyon, kung saan bawat miyembro ng BDRRMC ay nakilahok at nagbahagi ng kanilang ideya upang higit na mapaunlad ang kakayahan ng barangay sa pagtugon sa sakuna.
Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments