top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

Barangay San Roque Evacuation Drill - IEC on Disaster Preparedness - Basic Life Support Orientation


Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa koordinasyon at imbitasyon ng Barangay San Roque ay isinagawa ang Evacuation Drill, IEC on Disaster Preparedness, at Basic Life Support Orientation.


Sa pangunguna nu G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 (MDRRMO) ay isinagawa ang evacuation drill kung saan pinaghandaan ang pagtama ng lindol.


Ang Barangay San Roque ay matagumpay na naisagawa ang Duck, Cover, and Hold sa loob ng isang minuto at mapayapa na naidaos ang pag evacuate sa mga tao sa loob ng barangay.


Sistematiko ang ipinakitang evacuation ng mga tauhan ng barangay kung saan nakitang may maayos na pila mula sa pagbaba gayundin ang tamang pagbilang sa mga tauhan.


Matapos nito ay sabay-sabay na nagtungo ang mga tauhan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng Punong Barangay Hon. Nerio Valdesco. Nagbigay ng pambungad na pananalita si Kapitan Nerio na ayon sa kaniya ay "mabuti ang mayroong maagang kaalaman sa paghahanda sa sakuna".


Nagsagawa rin ng Information Education Campaign on Disaster Preparedness si Ma. Lourdes Alborida, LDRRM Officer III na tumutok sa paghahanda sa mga sakuna na maaaring tumama sa Bayn ng Angat.


Agad itong sinundan ng Basic Life Support na pinangunahan ni Carlos R. Rivera Jr. dito ay tinalakay ang mga sumusunod:


- Basic First Aid

- Bandaging Technique

- Splinting Techniques


Naging makabuluhan ang pagsasanay ng Basic Life Support kung saan natutuhan ng mga kalahok ang iba't-ibang uri ng pagsalba ng buhay.


Nagpapasalamat ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Barangay San Roque sa paganyaya na turuan ang mga kasapi ng Barangay upang mas mapaigting ang isang Handa, Ligtas, at Panatag na komunidad!


Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087


Kommentare


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page