top of page
bg tab.png

Barangay Pulong Yantok, Pinarangalan sa Bidang Barangay ng Bulacan 2026 Matapos Makamit ang 100% BIPS Data Encoding

Sep 18
1 min read

Pinarangalan ng Certificate of Commendation ang Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan sa ginanap na Bidang Barangay ng Bulacan 2026 ngayong Setyembre 18, 2026, sa The Pavilion Hiyas Convention Center, Malolos City.


Ang naturang pagkilala ay iginawad sa pamahalaang barangay matapos nitong matagumpay na makamit ang 100 porsyento o mahigit pang Barangay Inhabitants Encoding sa Barangay Inhabitants Information Processing System (BIPS) module ng Barangay Information Management System (BIMS), batay sa 2024 Census.


Ipinahayag ng pamunuan ng Barangay Pulong Yantok na ang natanggap na parangal ay isang malaking karangalan at bunga ng sipag ng mga kawani ng barangay at ng buong kooperasyon ng bawat pamilya sa komunidad.


Binigyang-diin ng Sangguniang Barangay na ang pagkakaroon ng maayos at wastong datos ng mga residente ay mahalagang susi para sa mas mabilis, maayos, at epektibong pagpapatupad ng mga programa at pampublikong serbisyo para sa lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page