Barangay Niugan, Nanalo ng 2026 BEST Barangay Award
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isang malaking karangalan ang idinulot ng Barangay Niugan sa Bayan ng Angat matapos nitong makamit ang 2026 BEST (Building Excellence in Service and Transparency) Barangay Award.
Ang parangal ay pagkilala sa maayos na pamamahala, transparency, at mabilis na paghahatid ng serbisyo ng barangay sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Roberto Maximo, kasama ang Sangguniang Barangay at mga kawani nito.
Pinatunayan ng Barangay Niugan ang kahalagahan ng mga sumusunod:
Epesyenteng serbisyo: Mabilis at maayos na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Tapat na pamamahala: Transparensya sa mga programa at pampublikong pondo.
Sama-samang pagkilos: Pagtutulungan ng mga opisyal at residente para sa pag-unlad.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng tapat na paglilingkod na ipinagmamalaki ng buong Bayan ng Angat.









Comments