Barangay Niugan, Nakiisa sa Isinagawang Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Dec 14, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang isang malinis at ligtas na kapaligiran para sa lahat, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang Clean-Up Drive noong Disyembre 13, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa sanitasyon at pagpigil sa pagdami ng mga insekto na nagdadala ng sakit, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at mga boluntaryong residente, nilinis ang mga pangunahing kalsada, mga daluyan ng tubig, at mga pampublikong lugar sa komunidad.









Comments