Barangay Niugan, Nagbayanihan sa Isinagawang Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Jun 6
- 1 min read

Pinangunahan ng Pamahalaang Barangay ng Niugan ang isang malawakang Clean-Up Drive nitong ngayong Sabado, Hunyo 6, 2026.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda at aksyon ng barangay ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan, na naglalayong maiwasan ang pagbaha at sugpuin ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit tulad ng dengue.
Sa tulong ng mga opisyal ng barangay at mga lokal na boluntaryo, nakatutok ang operasyon sa paglilinis ng mga pangunahing daan, paggabas ng mga matataas na damo sa mga pampublikong lugar, at pag-aalis ng mga nakabaradong basura sa mga kanal upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Barangay sa lahat ng mga residenteng nakiisa at nag-alay ng kanilang oras sa paglilinis. Muli ring ipinaalala ng pamunuan na ang pagpapanatili ng kalinisan sa tapat ng kani-kanilang bakuran ay malaking tulong upang mapanatiling ligtas at malusog ang buong komunidad ng Niugan.









Comments