top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Ginawaran Bilang Best Barangay Awardee

Sep 18
1 min read

Isang malaking karangalan at tagumpay ang nakamit ng Barangay Niugan matapos itong opisyal na kilalanin bilang isa sa mga Best Barangay Awardees.


Buong pagmamalaking ipinagdiwang ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang natanggap na parangal, na patunay ng natatanging antas ng pamamahala at pampublikong serbisyo sa komunidad.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagkakaisa, dedikasyon, at patuloy na paglilingkod ng mga opisyal ng barangay, mga kawani, mga boluntaryo, at ng buong mamamayan ng Niugan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa mga programa at proyektong pampamayanan, sabay na nangakong ipagpapatuloy ang tapat, nagkakaisa, at mahusay na paglilingkod para sa kaunlaran ng bawat kabarangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page