Barangay Marungko, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive para sa Mas Ligtas na Komunidad
- Angat, Bulacan

- Jan 31
- 1 min read
Updated: 14 hours ago

Isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Marungko ang kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong ika-31 ng Enero, 2026.
Sa pangunguna ng mga opisyal ng barangay at sa tulong ng mga masisipag na kawani at volunteers, nilinis ang mga pangunahing kalsada at mga daluyan ng tubig sa iba't ibang purok. Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, gayundin ang pagsugpo sa mga sakit na dulot ng maruming paligid gaya ng Dengue.
Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng nakiisa at muling ipinaalala sa mga residente ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura upang mapanatiling maganda at malinis ang ating mahal na Barangay Marungko.









Comments