Barangay Health Emergency Response Team Basic Life Support - Cardio Pulmonary Resuscitation with Automated External Defibrillator Training
- Angat, Bulacan

- Aug 22
- 2 min read

Pinangunahan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang pagsasanay para sa walong (8) Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) Batch 2 na layong sanayin at ihanda ang mga barangay sa mabilis at maayos na pagtugon sa anumang sakuna o aksidente.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan ng Angat Rural Health Unit, sa pangunguna ni Dra. Guillerma Bartolome, Municipal Health Officer, na nagbigay rin ng pambungad na pananalita. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga barangay at ng lokal na pamahalaan sa maagap na pagtugon hindi lamang sa mga aksidente, kundi maging sa mga sakit at iba pang emergency situation na maaaring makaapekto sa kaligtasan at kalusugan ng buong komunidad.
Sa unang bahagi ng pagsasanay, tinalakay ni Mr. William Cruz De Leon, Public Health Nurse, ang Community-Based Surveillance na nakatuon sa mahahalagang gampanin ng BHERT sa pagmo-monitor ng kalusugan ng bawat mamamayan at sa maagang pagtukoy ng mga banta sa kaligtasan ng barangay.
Samantala, pinangunahan naman nina Ma. Lourdes Alborida (LDRRM Officer III), Maria Lilibeth F. Trinidad (LDRRM Officer II), at buong Angat Rescue Team ang masinsinang pagsasanay na sumaklaw sa mahahalagang paksa gaya ng:
Introduction to First Aid
Bandaging Technique
Splinting
Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR)
Automated External Defibrillator (AED)
Nagkaroon din ng return demonstration ang mga kalahok upang maisabuhay at maisagawa ang mga natutunang kasanayan. Layunin nito na masanay ang mga Barangay Health Emergency Response Team sa tamang pamamaraan ng pagtugon, lalo na sa mga sitwasyong nakasalalay ang buhay ng tao. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, mas tumitibay ang kakayahan ng bawat barangay na maging unang rumeresponde bago pa man dumating ang mga propesyonal na tagapagligtas.
Kung kayo po ay may emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments