Barangay Baybay, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Pangunahing Kalsada
- Angat, Bulacan

- Dec 14
- 1 min read

Upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng pangunahing daluyan ng trapiko sa bayan, muling nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive ang mga opisyal at volunteers ng Barangay Baybay sa kahabaan ng kanilang Hi-way noong Disyembre 13, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng barangay na panatilihing maayos ang bukana ng kanilang komunidad, lalo na’t ang highway ang nagsisilbing pangunahing kalsada na dinadaanan ng mga residente at mga bumibisita sa Bayan ng Angat.








Comments