Barangay Baybay, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Covered Court at Baybay Gitna
- Angat, Bulacan

- 1 hour ago
- 1 min read

Patuloy ang masiglang kampanya para sa kalinisan sa Barangay Baybay matapos isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Disyembre 20, 2025, na nakatuon sa Baybay Gitna at sa paligid ng Barangay Covered Court.
Dahil ang Covered Court ang nagsisilbing sentro ng mga aktibidad, sports, at pagtitipon ng mga residente, binigyang-diin ng pamunuan ng barangay ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa lugar na ito upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat Angateño.









Comments