top of page
bg tab.png

Barangay Banaban Nagtulungan sa Paglilinis ng Komunidad para sa Kaligtasan ng Lahat


Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Barangay ng Banaban sa bayan ng Angat, Bulacan ang kanilang hangaring mapanatiling malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng isinagawang Weekly Clean Up Drive ngayong Setyembre 5, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, mga barangay tanod, at mga lokal na residente sa pagwawalis ng mga kalsada, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbara at pagbaha sa lugar.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang lingguhang paglilinis ay mahalaga upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue at iba pang sakit, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Nagpasalamat din ang barangay sa patuloy na kooperasyon at bayanihan ng mga residente para sa kalinisan ng Banaban.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page