top of page
bg tab.png

Banaban Overflow Bridge Update



ree

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay nagsagawa ng masusing monitoring sa ilog Angat, partikular na sa Barangay Banaban, upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at ang kalagayan ng mga imprastruktura sa lugar.


Personal na nagtungo sa Banaban Overflow Bridge si G. Carlos R. Rivera Jr., Municipal Government Disaster Head I (MGDH I) ng MDRRMO, upang suriin ang kalagayan ng tulay na nasira dulot ng nagdaang kalamidad. Batay sa direktiba ni MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, ang nasirang bahagi ng tulay ay tatabunan ng lupa upang maging daanan ng mga residente, lalo na ng mga Angateñong naninirahan sa Banaban 2.


Nakausap din ni G. Rivera ang mga residente sa paligid ng tulay, at batay sa kanilang ulat, nasa maayos ang kanilang kalagayan at walang agarang panganib dulot ng nasabing pinsala.


Matapos ang inspeksyon sa tulay, nagtungo si G. Rivera sa Pamahalaang Barangay ng Banaban upang personal na kumustahin ang kalagayan ng barangay matapos ang pananalasa ng Habagat at Bagyong Emong. Ayon sa mga tauhan ng barangay, walang malalaking epekto ang nagdaang habagat sa kanilang lugar, at hindi rin lumaki ang tubig ng ilog tulad ng mga nakaraang tag-ulan. Ito ay bunsod ng nasirang rubber gate 3 ng Bustos Dam na nakaapekto sa daloy ng tubig.


Patuloy ang pagtutok ng MDRRMO sa kalagayan ng mga apektadong lugar upang agad na makapagbigay ng angkop na tulong at solusyon para sa kaligtasan ng lahat.


Para sa agarang tulong o emergency, maaring tumawag sa Angat Rescue Hotline sa mga numerong:0923-926-3393 / 0917-710-5087


Bình luận


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page