BALAGTAS DAY
- Angat, Bulacan
- Apr 2
- 1 min read

| BALAGTAS DAY |
Alam niyo ba kung sino si Gat Francisco "Balagtas" Baltazar?
Siya ang sumulat ng Florante at Laura — isang kilalang kwento ng pag-ibig na isinulat sa anyong tula noong panahon pa ng Kastila.
Ipinanganak siya sa Balagtas, Bulacan noong Abril 2, 1788, at kilala bilang "Prinsipe ng mga Makata."
Dahil sa kanya, nabuo ang Balagtasan — isang patulang pagtatalo na bahagi pa rin ng ating kultura hanggang ngayon.
Ngayong Araw ni Balagtas, sabay-sabay nating alalahanin at ipagdiwang ang kanyang naiambag sa panitikan at kasaysayan ng ating bayan.
Comentários