top of page
bg tab.png

BAGONG KASAL, SINALUBONG NG PAGBATI MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG ANGAT


Isang mainit at taos-pusong pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa mga bagong kasal na sina Mr. at Mrs. Sonny Boy at Sheena Marie Malto, matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.


Ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ng Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" Bautista at ng buong konseho, ay nakikiisa sa kagalakan ng pamilya at mga kaibigan ng bagong mag-asawa sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto ng buhay.


Kasabay ng pagbating ito, nag-iwan din ng mahalagang paalala ang Lokal na Pamahalaan para sa mag-asawang Malto na sikapin na palaging panghawakan at isabuhay ang mga sagradong ipinangako sa isa't isa sa harap ng dambana, sa hirap man o sa ginhawa. Higit sa lahat, panatilihing sentro ang Poong Maykapal sa loob ng kanilang tahanan upang maging matatag, puno ng pagmamahalan, at gabay ang pamilya sa anumang hamon ng buhay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page