top of page
bg tab.png

Bagong Barangay Hall ng Sulucan, Nilinis sa Pamamagitan ng Bayanihan


Nagkapit-bisig ang iba't ibang sektor ng komunidad sa isinagawang malawakang paglilinis sa Bagong Barangay Hall ng Barangay Sulucan ngayong May 23, 2026.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay, katuwang ang mga Barangay Tanod, mga Volunteers, at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang pagtutulungang ito ay naglayong ihanda at panatilihing maayos, malinis, at kaaya-aya ang bagong pasilidad na magsisilbing sentro ng serbisyo publiko sa barangay.



Lubos ang ipinaabot na pasasalamat ng pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng nakiisa, nag-alay ng lakas, at nagpakita ng kooperasyon sa nasabing aktibidad. Ang ipinamalas na pagkakaisa ng mga opisyal at mamamayan ay patunay ng patuloy na pag-unlad at pagtutulungan tungo sa mas maayos na pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page