Araw ng Kagitingan
- Angat, Bulacan
- Apr 9
- 1 min read

Ang Araw ng Kagitingan ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa kabayanihan ng ating mga sundalo at bayani. Ito rin ay paalala ng tapang, dangal, at paninindigan na kailangang isabuhay nating mga Pilipino, lalo na ngayong panahon ng halalan.
Ngayong nalalapit ang National and Local Elections, hinihikayat tayong lahat na maging matapang sa pagpili. Pumili ng mga pinunong may malasakit, may prinsipyo, at may tunay na hangaring maglingkod sa bayan.
Ang boto ay hindi lamang papel kundi kapangyarihang magpanibago ng kinabukasan. Kaya sa darating na halalan, maging kagaya tayo ng mga bayani ng nakaraan: hindi natakot, hindi nagdalawang-isip, at buong tapang na pinili ang tama.
Ipakita ang kagitingan. Ihalal ang karapat-dapat.
Comments