PABATID SA MGA ANGATENYO NA MAY NEGOSYO:
Simula March 20, muli pong iikot ang BPLS-JIT (Business Permit & Licensing System-Joint Inspection Team) upang bisitahin ang inyong mga establisimyento at alamin kung ang mga nagmamay-ari ng negosyo ay nakapag-comply na sa pag-aayos ng Business Permit. Kung hindi pa, nakahanda po ang BPLS-JIT na gabayan at asistehan kayo sa anumang suliraning kinakaharap upang makatugon sa mga rekisitos.
Inaasahan po ang pakikiisa at kooperasyon ng lahat.
Comments