Angatenyong Doktor, Pumasa sa Physicians at US Medical Licensure Exams
- Angat, Bulacan
- 14 hours ago
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Isang mainit na pagbati at taos-pusong pagsaludo kay Dr. Regie A. Trinidad sa kanyang matagumpay na pagpasa sa October 2025 Physicians Licensure Examination at United States Medical Licensure Examination (USMLE).
Si Dr. Trinidad ay kilala bilang isa sa mga “Doktor ng Bayan” na patuloy na naglilingkod bilang volunteer doctor sa Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB), katuwang sa paghahatid ng libreng serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga mamamayan ng Angat.
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan, kundi inspirasyon sa mga kabataang Angatenyo at sa lahat ng lingkod-bayan na patuloy na nagbibigay ng malasakit at serbisyo sa kapwa.
Mabuhay ka, Dr. Regie! Ipagmalaki ang lahing Angatenyo — sa puso, sa serbisyo, at sa tagumpay!