Angatenyo Advisory
- Angat, Bulacan
- 6 days ago
- 1 min read

Suspendido ang lahat ng face-to-face classes mula Kinder hanggang Grade 12, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan ng Angat sa mga petsang Oktubre 13 at 24, bilang pag-iingat sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko dulot ng mga aktibidad sa lansangan.
Kaugnay ito ng ika-4 na taong pagdiriwang ng GulayAngat (Gunita ng Lahi at Yamang Angat) Festival at ika-342 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Angat. Ilulunsad sa nasabing mga araw ang Parada ng Karosa (Oktubre 13) at Indakan sa Kalye (Oktubre 24), na inaasahang dadaluhan ng maraming residente at bisita.
Hinihikayat naman ng Pamahalaang Bayan ang mga paaralan na isagawa ang klase sa pamamagitan ng asynchronous learning mode upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa kabila ng pansamantalang suspensyon ng klase.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtitiyak na mananatiling maayos, ligtas, at organisado ang daloy ng mga aktibidad sa ilalim ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival.
Comments