Angatenyo Advisory:
- Angat, Bulacan

- Sep 22
- 1 min read

Dahil inaasahan pa rin po ang matinding pag-ulan bukas dulot ng Supertyphoon Nando, suspendido pa rin ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa bayan ng Angat. Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, guro, at buong komunidad.
Hinihikayat po ang lahat na manatili sa kani-kanilang mga tahanan hangga’t maaari, maging mapagmatyag sa mga abiso mula sa inyong lokal na pamahalaan, at mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa. Patuloy din po tayong makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa PAGASA at sa mga kinauukulang ahensya.
Manatili po tayong ligtas at handa sa anumang sakuna. Sama-sama nating malalampasan ang hamon na ito.









Comments