ANGATENYO ADVISORY: Ngayong araw ay nakatakdang magpakawala ng tubig mula sa Ipo Dam dahil sa epekto ng habagat at ng Bagyong Carina. Ayon sa PAGASA, 61 cubic meters per second (cms) ang ilalabas na tubig mula sa dam.
Mahigpit nating ipinapaalala na ang mga bayan ng Norzagaray, Angat, Bustos, Baliwag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy ay posibleng maapektuhan ng pagtaas ng tubig. Hinihikayat po natin ang lahat na maging handa at sumunod sa mga abiso mula sa ating lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno.
Patuloy po tayong mag-ingat at manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa!
Comments