Angat Rescue Team Regular Monthly Meeting
- Angat, Bulacan
- Jun 25
- 1 min read

Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay isinagawa ang regular monthly meeting ng Angat Rescue Team (ART) para sa buwan ng hunyo.
Ito ay pinangunahan ni Maria Lilibeth F. Trinidad, LDRRM Officer II - Operations and Warning Division Chief gayundin si Ma. Lourdes Alborida, LDRRMO III, Administration and Training Division.
Layunin ng pagpupulong na ito na panatilihin na nasa kundisyon ang bawat miyembro ng ART gayundin na balikan ang mga isinasagawang aktibidad ng buong MDRRMO Angat.
Ang pagpupulong ay isinagawa sa MDRRMO Operations Center ng departamento at nilahukan ng miyembro ng Angat Rescue Team. Dito ay nagbahagi ng suhestiyon ang mga responders ng Bayan ng Angat para sa mas epektibong serbisyo.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga aktibidad na nalalapit para mapaghandaan ng bawat isa.
Saludo para sa mga responders ng Bayan ng Angat🫡
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
ความคิดเห็น