Angat Rescue Team Nagsagawa ng River Monitoring; Banaban Bridge 2 Hindi Nadadaanan
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nagsagawa muli ng river monitoring ang Angat Rescue Team mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngayong hapon August 29, 2026 upang suriin ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Ilog Angat at tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng malapit sa baybayin.
Dahil sa patuloy na pag-ulang dala ng Hanging Habagat, inihayag ng MDRRMO na non-passable o hindi kasalukuyang nadadaanan ng anumang uri ng sasakyan at mga residente ang Banaban Bridge 2 matapos itong apawan ng tubig-ilog.

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng ahensya sa ilalim ng pangangasiwa ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista upang agad na makatugon sa anumang kaganapan. Muling nagpaalala ang pamahalaang lokal na mahigpit na ipinagbabawal ang paliligo o anumang uri ng aktibidad sa kailugan habang masama ang panahon.
Para sa mga nangangailangan ng saklolo o may emergency, ipinapayong tumawag agad sa mga opisyal na hotline ng MDRRMO sa numerong 0923-926-3393 o 0917-710-5087.









Comments