top of page
bg tab.png

Angat Rescue Team at MDRRMO, Nagpulong para sa Mas Pinalakas na Serbisyo


Upang mas mapataas ang antas ng serbisyo sa oras ng kalamidad at sakuna, matagumpay na idinaos ng Angat Rescue Team katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang kanilang monthly meeting nitong linggo.


Sentro ng talakayan ang naging resulta ng isinagawang pagsasanay noong nakaraang linggo. Ayon sa pamunuan, malaki ang naging ambag ng nasabing training upang mas mapatibay ang ugnayan at koordinasyon ng bawat rescue responder sa aktuwal na operasyon.


Bilang bahagi ng pagpapalakas sa kapasidad ng bawat miyembro, nakatakdang magsagawa ng mas marami pang serye ng pagsasanay ang bawat Rescue Team sa buong taon ng 2026. Layunin nito na maging laging handa at bihasa ang mga responders sa iba’t ibang senaryo ng pagsagip.


Bukod sa pagsasanay, tinalakay din sa pagpupulong ang mga sumusunod na prayoridad:

  • 2nd Quarter Activities (2026): Paglalatag ng mga programa para sa mga darating na buwan, kabilang ang mga community-based drills.

  • Semana Santa 2026: Pagsasagawa ng regular na pag-iikot at pagbabantay sa kahabaan ng kailugan ng Angat ngayong panahon ng bakasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at turista.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na siguruhing ang bawat rescuer ay may sapat na kaalaman at kasanayan para sa proteksyon ng bawat Angatenyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page