Angat Rescue at Barangay Drivers, Isinalalim sa Emergency Vehicle Operations Course
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Upang masiguro ang mabilis at ligtas na paghahatid ng serbisyong medikal sa mga emergency, matagumpay na idinaos ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang isang masinsinang Emergency Vehicle Operations Course (EVOC) nitong linggong ito.
Ang pagsasanay na ginanap sa Angat Evacuation and Isolation Facility ay nilahukan ng mga miyembro ng Angat Rescue Team, mga driver mula sa iba't ibang barangay, at mga ambulansya ng Municipal Health Office (MHO). Sa ilalim ng pamumuno ni MDRRM Officer Carlos R. Rivera Jr., naging layunin ng programa na itaas ang antas ng propesyonalismo at teknikal na kakayahan ng mga drivers at responders sa kalsada.

Nagsilbing mga instruktor ang mga eksperto mula sa Provincial DRRMO ng Bulacan na sina G. Donald Maniego, G. Cristy Dante Shepard, at G. Rommel Trimor. Sa loob ng tatlong araw, sumentro ang diskusyon at field exercises sa mga sumusunod:
Safety Driving at Road Safety
Extrication Techniques (Pagsagip sa mga biktima mula sa naaksidenteng sasakyan)
Responsibilities of an Ambulance Crew
Emergency Maneuvers
Ayon sa MDRRMO, ang pagsasanay na ito ay isa lamang sa serye ng mga capability-building programs na nakahanay upang palakasin ang pwersa ng Angat Rescue. Sa pamamagitan ng mas pinahusay na kasanayan ng mga personnel, tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan ang mas mabilis na response time at mas ligtas na operasyon sa panahon ng sakuna.









Comments