Angat PNP, Sinuyod ang Riprap sa Sto. Cristo Laban sa mga Maiingay na Tambutso
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read
Updated: 5 days ago

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan sa bisperas ng Bagong Taon, nagsagawa ng Police Visibility at Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Riprap, Brgy. Sto. Cristo ngayong alas-5:00 ng hapon, Disyembre 31, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC. Binigyang-diin sa naturang aktibidad ang pagpapatupad ng batas laban sa mga "open-pipe" o modified mufflers na nagdudulot ng ingay at istorbo sa publiko. Alinsunod sa Republic Act 4136, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga tambutso na lumalagpas sa 99 decibels (dB). Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang isang payapa at hindi mabulahaw na selebrasyon para sa mga residente ng komunidad.









Comments