Angat PNP, Nakakumpiska ng mga Ilegal na 'Boga' at Paputok
- Angat, Bulacan

- Dec 31, 2025
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanyang "Ligtas Paskuhan at Bagong Taon," matagumpay na nakakumpiska ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ng mga ilegal na "Boga" at iba pang ipinagbabawal na firecrackers at pyrotechnic devices ngayong Disyembre 31, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Layunin ng hakbang na ito na mabawasan, kung hindi man tuluyang maiwasan, ang mga aksidenteng may kaugnayan sa paputok, lalo na sa mga kabataan na madalas gumagamit ng boga.
Ang mga nakumpiskang kagamitan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Patuloy ang panawagan ng Angat PNP sa mga mamamayan na gumamit na lamang ng mga ligtas na alternatibo sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang pinsala at sunog.









Comments