Angat PNP, Nagsagawa ng Police Visibility sa Sta. Monica Parish
- Angat, Bulacan

- May 4
- 1 min read

Sa pagsisimula ng bagong linggo, muling ipinamalas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng isinagawang Police Visibility sa bisinidad ng Sta. Monica Parish Church ngayong ika-4 ng Mayo, 2026.
Ang operasyon, na nagsimula bandang alas-6:53 ng umaga, ay pinangunahan ni PSSg Rodolfo Curampes, Patrol PNCO, sa ilalim ng direktiba ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police, at sa patnubay ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Bukod sa pisikal na presensya ng mga awtoridad, naging layunin din ng aktibidad na ito na patatagin ang Police–Community Partnership, talakayin ang peace and order ipaalala ang crime prevention.









Comments