Angat PNP Nagsagawa ng Oplan Bandillo sa Doña Urbana Cemetery para sa Ligtas Undas 2025
- angat bulacan
- 5 days ago
- 1 min read
ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng paghahanda para sa paggunita ng Undas 2025, nagsagawa ang Angat Municipal Police Station (MPS) ng Oplan Bandillo noong Nobyembre 1, 2025, bandang alas-10:00 ng umaga, sa paligid ng Doña Urbana Public Cemetery, Barangay Niugan, Angat.
Pinangunahan ni PMSg Rodrigo Bryan B. Torres, MCAD/Finance PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS, ang aktibidad na layuning ipabatid sa publiko ang mga safety tips at paalala para sa ligtas at maayos na pagdalaw sa mga sementeryo.
Sa pamamagitan ng public address system, ipinaabot ng mga pulis ang mga paalalang pangkaligtasan, kabilang na ang mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng:
Mga patalim at matutulis na bagay
Alak o inuming nakalalasing
Gamit sa sugal
Sound system o malalakas na speaker
Ibinahagi rin sa publiko ang mga importanteng contact numbers, kabilang ang PNP Hotline at ang emergency hotline 911 para sa agarang tulong kung kinakailangan.
Ang inisyatibo ay bahagi ng kampanya ng pambansang pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Patuloy ang panawagan ng Angat PNP sa publiko na makiisa para sa ligtas at tahimik na Undas.









Comments