Angat PNP, Nagsagawa ng Morning Formation at Accounting of Personnel
- Angat, Bulacan

- May 3
- 1 min read

Sa layuning mas mapataas ang antas ng disiplina at kahandaan ng kapulisan, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang regular na Morning Formation and Accounting of Personnel ngayong ika-3 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing aktibidad, na nagsimula bandang alas-7:45 ng umaga, ay pinangunahan ni PCPT Mirari S. Cruz, ang tumatayong Duty Officer of the Day (OD). Ito ay sa ilalim ng direktiba at pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, ang Acting Chief of Police ng Angat MPS.
Ang regular na pagsasagawa ng formation ay bahagi ng estratehiya ng Philippine National Police (PNP) upang palakasin ang disiplina, accountability at operation readiness ng isang propesyonal na pulis.









Comments