Angat PNP, Nagpatrolya sa Brgy. Marungko
- Angat, Bulacan

- May 4
- 1 min read
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan kahit sa oras ng gabi, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang isang Police Visibility operation sa Barangay Marungko ngayong ika-4 ng Mayo, 2026.
Ang pagpapatrolya na nagsimula bandang alas-9:01 ng gabi ay pinangunahan ni PSSg Israel Estimada, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police, at sa suporta ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang nakatuon sa pagbabantay, kundi layunin din nitong paigtingin ang Police–Community Partnership, sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na koordinasyon at pakikipagtulungan sa mga lokal na residente. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na ilahad ang kanilang mga hinaing at usapin tungkol sa seguridad sa kanilang lugar at pagbabahagi ng mga paalala kung paano maiiwasan ang mga krimen sa gabi at iba pang banta sa kaayusan.









Comments