Angat PNP, Nagpaalala sa Pagbabawal ng Sabong at E-Sabong
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na sugal, muling nagpalabas ng mahigpit na paalala ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, hinggil sa pagbabawal sa lahat ng anyo ng ilegal na sabong sa loob ng kanilang nasasakupan.
Binigyang-diin ng himpilan na ang pagsasagawa ng Cockfighting (Sabong) na walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan at ang operasyon ng E-Sabong ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na batas.
Layunin ng Angat PNP na mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang mga krimen na madalas na iniuugnay sa ilegal na sugal. Ang nasabing paalala ay sumasaklaw sa mga sumusunod:
Ilegal na Sabong (Tupada): Ang pagdaraos ng sabong sa mga bakanteng lote, sementeryo, o mga tago na lugar.
E-Sabong: Ang pagtaya o pagpapatakbo ng online sabong na walang lisensya mula sa PAGCOR at labag sa direktiba ng pambansang pamahalaan.
Ayon kay PMAJ Alba, ang sinumang mahuhuling nagpapatakbo, nag-oorganisa, o tumataya sa mga ilegal na pasugal na ito ay mahaharap sa kaukulang parusa alinsunod sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling Law).









Comments