Angat PNP, Maagang Nagpatrulya sa Colegio de Sta. Monica
- Angat, Bulacan

- Jul 2
- 1 min read

Bago pa man magsimula ang dagsa ng mga mag-aaral, maagang nagpakalat ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Colegio de Sta. Monica, Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan ngayong Hulyo 2, 2026.
Ang maagang pagbabantay ay nagsimula sa ganap na 5:45 ng umaga sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, ang Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS.
Ang presensya ng mga kapulisan sa bukana at paligid ng eskwelahan ay naglalayong mapanatili ang isang ligtas, secure, at maayos na kapaligiran habang pumapasok ang mga estudyante, guro, at staff. Sa pamamagitan ng regular na pagpapatrulya at pakikipagtulungan sa pamunuan ng paaralan, layon ng Angat PNP na mailayo ang komunidad ng akademya sa takot sa krimen o anumang uri ng gulo.
Paalala ng Angat MPS sa publiko: Sa mga oras ng emergency o nangangailangan ng mabilis na saklolo, maaari kayong tumawag sa Unified Emergency Hotline na 911 na bukas at handang magsilbi 24/7.









Comments