top of page
bg tab.png

Angat PNP, Inilunsad ang Information Drive ukol sa RA 12022


Bilang pakikiisa sa kampanya ng pambansang pamahalaan para sa seguridad sa pagkain, pinaigting ng Angat Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.


Ang batas na ito ay naglalayong tuldukan ang mga ilegal na aktibidad na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at nagpapataas sa presyo ng mga bilihin sa merkado.


Itinuturing na ngayon bilang Economic Sabotage at isang "non-bailable offense" (walang piyansa) ang mga sumusunod na gawain kapag kinasasangkutan ng mga produktong agrikultural:

  • Agricultural Smuggling: Ilegal na pagpapasok ng mga produktong gaya ng bigas, asukal, mais, karne, at gulay sa bansa.

  • Hoarding: Sadyang pagtatago ng mga produkto upang manipulahin ang suplay at itaas ang presyo nito sa merkado.

  • Profiteering: Pagbebenta ng mga produktong agrikultural sa presyong labis na mataas kaysa sa itinakdang suggested retail price (SRP).

  • Cartel Operations: Sabwatan ng mga grupo upang kontrolin ang presyo at distribusyon ng mga produkto.


Sa ilalim ng RA 12022, ang mga mapatutunayang nagkasala ay maaaring maharap sa habambuhay na pagkabilanggo at multang nagkakahalaga ng hanggang tatlong beses ng halaga ng produktong kinasangkutan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page