ANGAT, NAMAYAGPAG SA GOOD GOVERNANCE; SGLG 2024 AWARD, IPINAGDIRIWANG SA FLAG CEREMONY
- Angat, Bulacan

- 23 minutes ago
- 1 min read

Tampok sa ginanap na lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagkilala sa panibagong tagumpay ng bayan matapos nitong makamit ang Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa CY 2024 sa katatapos lamang na 2026 PhaLGa Excellence Awards.
Pinangunahan ng mga kawani mula sa Public Employment Service Office (PESO) at Municipal Nutrition Office (MNO) ang naturang seremonya, na dinaluhan ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Kon. Blem Cruz, Kon. JP Solis, mga kinatawan ng Angat Philippine National Police (PNP) at Angat Bureau of Fire Protection (BFP), pati na rin ang mga empleyado ng pampublikong pamahalaan.
Ayon sa pamunuan ng bayan, ang nakuhang parangal ay malinaw na patunay ng walang humpay na pagsusulong ng Angat sa mga sumusunod na prayoridad:
Mabuting Pamamahala sa lahat ng antas ng lokal na gobyerno
Transparency at Accountability sa paghawak ng pondong bayan at programa
Mahusay na Paglilingkod-Bayan para sa kapakanan ng bawat mamamayan
Nagsisilbing malaking inspirasyon ang nasabing pagkilala upang lalo pang pagbutihin ng buong Pamahalaang Bayan ng Angat ang tapat, mabilis, at de-kalidad na paghahatid ng serbisyo para sa lahat ng mga Angatenyo.









Comments