Angat MPS, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Rizal Day 2025
- Angat, Bulacan

- Dec 29, 2025
- 1 min read

Nakilahok ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa pambansang paggunita ng ika-129 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong Disyembre 30, 2025.
Dala ang temang, "RIZAL: Sa Pagbangon ng mga Mamamayan, Aral at Diwa Mo ang Tunay na Gabay," binigyang-pugay ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola ang mga sakripisyo ng pambansang bayani. Ayon sa himpilan, ang mga turo at karunungan ni Rizal ay nagsisilbing inspirasyon at gabay ng PNP sa kanilang tapat na paglilingkod upang itaguyod ang pagbangon at kaayusan ng sambayanang Pilipino.









Comments