Angat MPS, Nagsagawa ng Patrolya sa Brgy. Marungko para sa Seguridad ng Publiko
- Angat, Bulacan

- May 3
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa isang ligtas at payapang komunidad, pinalakas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang presensya sa pamamagitan ng isinagawang Police Visibility sa bisinidad ng 7-Eleven sa Barangay Marungko ngayong ika-3 ng Mayo, 2026.
Ang operasyon na nagsimula bandang alas-10:36 ng umaga ay pinangunahan ni Pat Cabusao, Patrol PNCO, sa ilalim ng direktiba ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police ng Angat MPS at sa gabay ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Higit sa pagpapatrolya, layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang Police–Community Partnership. Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga residente at mga bumibisita sa nasabing establisyemento, nagkaroon ng pagkakataon ang kapulisan na talakayin ang mga isyu tungkol sa kapayapaan at kaayusan. Magbigay ng payo ukol sa crime prevention at dinggin ang iba pang mga hinaing at concerns ng komunidad sa loob ng kanilang Area of Responsibility (AOR).









Comments