top of page
bg tab.png

Angat MPS, Nagpatrolya sa Boundary ng Norzagaray at Angat Highway

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa mga pangunahing daanan, naglunsad ng mobile patrol operation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa boundary o hangganan ng Norzagaray at Angat Highway na sakop ng Barangay Sta. Cruz ngayong Sabado, Hunyo 13, 2026, simula ganap na 10:35 ng umaga.


Ang pagpapatrolya sa estratehikong lugar na ito ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant (PSSg) Castro, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, at sa pangangasiwa ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Pangunahing layunin ng operasyon na mapataas ang antas ng seguridad sa publiko sa pamamagitan ng pagpigil at pagsugpo sa mga kriminal na aktibidad, partikular na ang mga krimeng nagaganap sa mga highway. Kasabay nito, mahigpit ding ipinatupad ng mga awtoridad ang mga regulasyon sa trapiko upang masiguro ang disiplina sa daan at maiwasan ang anumang aksidente sa boundary.


Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay sa mga lagusan at pangunahing kalsada, tinitiyak ng Angat MPS na nananatiling ligtas at maayos ang daloy ng komersyo at biyahe ng mga mamamayan sa pagitan ng mga bayan ng Angat at Norzagaray.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page