Angat MPS, Nagpamahagi ng Vitamins, Gamot, at Hygiene Kits sa mga PUPC
- Angat, Bulacan

- Jun 7
- 1 min read

Bahagi pa rin ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030 at pagtataguyod sa karapatang pantao, naglunsad ng isang programang pangkalusugan ang Angat Municipal Police Station sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga vitamins, gamot, at hygiene kits para sa mga Persons Under Police Custody (PUPC) ngayong Linggo, Hunyo 7, 2026, ganap na 12:00 ng tanghali.
Ang pamamahagi na naganap sa Angat Custodial Facility sa Brgy. San Roque, Angat, Bulacan, ay pinangunahan ni Police Corporal (PCpl) Rham Anderson T. Reyes, HRAO/Custodial PNCO, sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ang bawat nakapiit ng mga bitamina at pangunahing gamot upang mapalakas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit, kasabay ng mga personal na kagamitan sa kalinisan tulad ng hygiene kits.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, sa ilalim ng Bulacan PPO, layunin ng proyektong ito na masiguro na ang mga nasa ilalim ng kanilang kustodiya ay nananatiling malusog, ligtas sa sakit, at nabibigyan ng makataong kalinga at sapat na atensyong medikal habang kinakaharap ang kanilang mga legal na proseso.









Comments