Angat MPS, Naglunsad ng Oplan Greyhound at Custodial Facility Inspection
- Angat, Bulacan

- Jun 7
- 1 min read

Alinsunod sa mga alituntunin ng PNP Patrol Plan 2030, isinalang sa isang masusing inspeksyon at paggalugad ang pasilidad ng piitan ng Angat Municipal Police Station ngayong Linggo, Hunyo 7, 2026, ganap na 9:00 ng umaga.
Ang operasyon na kinapapalooban ng Oplan Greyhound (kilala rin bilang Oplan Galugad) at Custodial Facility Inspection ay pinangunahan ni Police Corporal (PCpl) Rham Anderson T. Reyes, na tumatayong HRAO PNCO at Custodial Officer ng istasyon.
Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na suriin ang katatagan, kaligtasan, at pangkalahatang kondisyon ng mga lock-up cell. Sa pamamagitan ng biglaang paggalugad sa loob ng mga selda, sinisiguro ng pamunuan na walang anumang kontrabando o ipinagbabawal na kagamitan ang nakapapasok sa loob upang maiwasan ang anumang untoward incident o hindi inaasahang kaguluhan, pati na rin ang pagtatangka ng pagpuga.
Ang regular na pag-inspeksyong ito ay bahagi ng seryosong hakbang ng Bulacan PPO at Angat MPS upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng seguridad at matiyak na sumusunod ang pasilidad sa mga alituntunin ng karapatang pantao habang pinapanatili ang kaayusan sa loob ng piitan.









Comments