Angat MPS, Nagkasa ng Oplan Galugad at Custodial Facility Inspection
- Angat, Bulacan

- Jun 29
- 1 min read

Alinsunod sa mga alituntunin ng Patrol Plan 2030, naglunsad ng masusing Custodial Facility Inspection at Oplan Galugad ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa loob ng kanilang piitan ngayong Martes, Hunyo 29, 2026, ganap na 8:30 ng umaga.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Corporal (PCpl) Rham Anderson T. Reyes, HRAO PNCO at Custodial Officer, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Pangunahing layunin ng inspeksyon na suriin ang katatagan, kaligtasan, at integridad ng mga lock-up cell o selda. Sa pamamagitan ng Oplan Galugad, masusing nirebisa ang bawat sulok ng pasilidad upang masigurong walang nakakalusot na anumang uri ng kontrabando o ipinagbabawal na kagamitan, at upang mapigilan ang anomang hindi inaasahang insidente tulad ng pagtakas o kaguluhan sa loob ng piitan.
Sa pamamagitan ng regular at biglaang inspeksyong ito, patuloy na ipinapakita ng Angat MPS ang kanilang seryosong pangako na mapanatili ang mataas na pamantayan ng seguridad at disiplina, habang tinitiyak ang kaligtasan ng mga Person Under Police Custody (PUPC) at ng mga nakatalagang tauhan ng selyo.









Comments