Angat MPS, Nagkasa ng Church Visitation at Police Visibility sa Sta. Monica Parish Church
- Angat, Bulacan

- Jun 22
- 1 min read

Upang masiguro ang kapanatagan at kaligtasan ng mga mananampalataya, naglunsad ng church visitation at police visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa Sta. Monica Parish Church na matatagpuan sa Barangay San Roque ngayong Lunes, Hunyo 22, 2026, simula ganap na 7:00 ng umaga.
Ang pagbabantay sa naturang parokya ay isinagawa sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga deboto, kawani ng simbahan, at mga bumibisita sa tuwing may idinaraos na mga banal na misa at iba pang gawaing pangrehihiyon. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng aktibong presensya ng pulisya sa labas at paligid ng simbahan, epektibong napapanatili ang kapayapaan at kaayusan, habang nagtataguyod ng isang ligtas at payapang kapaligiran para sa espirituwal na pagsamba ng komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan sa mga institusyong pangrehihiyon, tinitiyak ng Angat MPS na ang mga pampublikong lugar ng panalangin sa Brgy. San Roque ay nananatiling protektado laban sa anumang untoward incident.









Comments