Angat MPS, Nag-foot Patrol sa Barangay Marungko
- Angat, Bulacan

- May 29
- 1 min read
Upang mas mapalawig ang seguridad sa mga pamayanan, naglunsad ng Foot Patrol o pagpapatrolya sa pamamagitan ng paglalakad ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa mga kalsada ng Barangay Marungko sa bayang ito.
Ang pag-ikot na nagsimula bandang alas-1:12 ng hapon, May 29, 2026 ay pinamunuan ni PSSg Torres (Patrol PNCO), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP), at bahagi ng pinaigting na kampanya ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang pagpapatuloy ng mga ganitong foot patrol sa iba't ibang barangay ay bahagi ng kanilang dedikasyon na panatilihing payapa, maayos, at ligtas ang buong bayan ng Angat.









Comments